LUMAPIT pa ang mga tangke ng Israel sa dulo ng Gaza City, at sinira ang mga kabahayan dahilan para lumikas ang mga residente.
Ayon sa mga saksi, nangyari ito bago ang inaasahang pulong kaugnay ng digmaan na pamumunuan ni US President Donald Trump.
Pinasok ng mga tangke ang Ebad-Alrahman Neighborhood sa Northern Edge ng Gaza City at pinaulanan ng bala ang mga bahay, na nagresulta sa pagkasugat ng mga residente at paglikas ng maraming iba pa.
Sinabi ng Israel na pinaghahandaan nila ang paglulunsad ng bagong opensiba sa Gaza City na inilarawan nito bilang Last Bastion ng Hamas.