Apektado na ng African Swine Fever (ASF) ang Calbayog City sa Samar.
Batay sa updated Zoning Status na inilabas ng National ASF Prevention and Control Program, deklarado nang ‘Red Zone’ o ‘Infected Zone’ ang lungsod kasama ang 7 pang lugar sa lalawigan ng Samar.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Kabilang sa mga deklaradong ASF ‘Infected Zone’ sa Samar ang Calbayog City, Calbiga, Daram, Hinabangan, Pinabacdao, San Sebastian, Talalora at Paranas.
Sa buong Region 8 ay 23 lungsod o munisipalidad ang apektado ng ASF.
Kabilang dito ang 9 Cities o Municipalities sa Leyte, 1 (Mondragon) sa Northern Samar,
8 sa Samar at 5 sa Southern Leyte.
Ang buong lalawigan ng Biliran ay nananatiling nasa “Free Zone”.
Habang sa Eastern Samar naman ay may mga lungsod o munisipalidad na nasa Yellow o Surveillance Zone at nasa Pink o Buffer Zone.
