SUSPENDIDO ang pasok sa trabaho sa lahat ng tanggapan sa Provincial Government ng Aurora ngayong Huwebes, March 26.
Ayon sa Memorandum Order na nilagdaan ni Aurora Governor Patrick Alexis Angara, ito ay dahil sa naka-schedule na province-wide power service interruption sa nasabing petsa.
ALSO READ:
Mawawalan ng kuryente ang buong probinsya ng Aurora mula 6:15 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi.
Nakasaad sa memorandum na hindi rin naman puwedeng ituloy ang pasok sa Provincial Government gamit ang generator sets dahil uubos sila ng eighty thousand pesos para sa fuel.
Samantala, mananatili namang operational ang mga opisina na nagbibigay ng mahahalagang serbisyo tulad ng health services, disaster response, public safety at emergency operations.




