INILABAS ng PHIVOLCS ang time-lapse footage ng minor phreatomagmatic eruption na naitala sa Bulkang Taal, kahapon ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, nagbuga ng plume ang bulkan na umabot sa three hundred meters ang taas.
ALSO READ:
Nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal.
Samantala, nagbuga rin ng abo ang Bulkang Kanlaon kahapon ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, ang nasabing aktibidad ay lumikha ng grayish plume na umabot sa one thousand two hundred feet ang taas mula sa summit crater.
Alert Level 2 naman ang nakataas sa Mt. Kanlaon.




