DEAD on the spot ang isang ginang matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang mga salarin hapon ng Agosto 3, 2023 pasado alas 12:35 ng hapon sa Purok 2 Brgy. Matobato, Calbayog City, Samar.
Kinilala ang biktima na si Jocelyn Cacairo Bago, Brgy. Treasurer at residente ng Sitio Bagacay, Brgy. Imelda, Almagro Samar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Calbayog, kasama ng biktima ang Brgy. Chairman na si Glocer Villa ng Brgy. Imelda, Almagro, Samar. Siya at ang biktima ay mula sa bahay ng kanilang bookkeeper sa Motor Pool sa Brgy. Payahan kasama ang Brgy. Treasurer ng Brgy. Costa Rica, Almagro, Samar.
‘Di kalaunan ay nagpaalam umano silang uuwi na at gamit ang single na XRM na motorsiklo. Pagdating sa nasabing lugar ng insidente kung saan tumigil si Kapitan Villa para bumili ng tinapay sa Bread Point Bakery nang bigla lamang siyang makarinig ng putok ng baril. Paglingon niya ay nakita niya ang kasama nya na si Bago na nakahandusay at duguan.
Samantala, nalaman na lamang ni Villa na ang bag na kulay itim na nakalagay sa puting plastic bag na nakasabit sa motorsiklo na naglalaman ng pera sa hindi pa malamang halaga ay tinangay ng mga tumakas na suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang krimen.