AYON sa pangulo, hindi kasama sa four-day work week scheme ang emergency at frontline services.
Pansamantala ring ipinagbawal ng pangulo ang non-essential travel at iba pang aktibidad sa mga opisina ng gobyerno.
Sabi ng pangulo, “Pansamantala ring ipinagbabawal ang mga biyahe at aktibidad ng pamahalaan na hindi naman kinakailangan, gaya ng mga study tour, team-building activities o mga meeting na maaari namang gawin online.”




