INIMBITAHAN ni COMELEC Chairman George Garcia ang contestant mula sa isang noontime show, na magtungo sa kanilang opisina.
Ito’y matapos mag-viral ang bente anyos na dalaga dahil sa kawalan ng kaalaman tungkol sa poll body.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sinabi ni Garcia na bibisita ang contestant na si Heart Aquino mula sa Pampanga, sa COMELEC headquarters mamayang hapon, sa comelec headquarters sa Maynila.
Sa beauty contest segment ng “It’s Showtime” noong Feb. 28, tinanong si Aquino kung ano ang mensahe nito sa COMELEC, subalit inamin nito na limitado lamang ang kanyang alam sa election body kahit nasa edad na siya para bumoto.
Nagkomento naman ang host na si Vice Ganda, sa pagsasabing nakababahala na malamang hindi pamilyar si Aquino sa COMELEC.