INIURONG ng House Committee on Justice ang botohan sa Sufficiency in Substance ng dalawang impeachment complaints na isinampa laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ipinaliwanag ni House Justice Panel Chairperson Gerville Luistro na kailangang iurong ngayong araw ang botohan, kasunod ng pukpukang diskusyon sa unang impeachment complaint na inihain ni Atty. Andre De Jesus at inendorso ni Pusong Pinoy Partylist Rep. Jett Nisay.
Sinabi ni Luistro na sa halip na kahapon ay mamayang hapon na lamang pagbobotohan ang Sufficiency in Substance ng maza et al complaint.
Ang tinutukoy ng house committee chair ay ang second impeachment complaint na inihain ni Dating Gabriela Partylist Rep. Liza Masa at inendorso ng mga mambabatas mula sa Makabayan Bloc.




