OPISYAL nang binuksan ng content creator na si Jayson Luzadas, na mas kilala bilang Boss Toyo, ang kanyang Pinoy Pawnstar Museum sa Quezon City.
Sa launching, ipinakita ni Boss Toyo ang “Holy Grail” Area ng Museum, kung saan makikita ang Million-Peso Pokemon Double Platinum Award mula kay Billy Crawford, Memorabilia ni National Artist Fernando Poe Jr. na nagkakahalaga ng 600,000 pesos, at mga laruan at kasangkapan na pag-aari ng isa pang national artist na si Nora Aunor.
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Sinabi ng content creator na ang mga naturang item ay hindi for sale, kasabay ng pangakong pakaka-ingatan niya ang mga ito.
Bubuksan sa publiko ang Pinoy Pawnstar Museum sa susunod na linggo, at mayroong entrance fee na 100 pesos.
Idinagdag ni Boss Toyo na higit sa pagpapakita ng magagandang bagay, mas mahalaga sa kanya ang kwento ng pagiging Pilipino.
