Sugatan ang pito katao makaraang sumiklab ang sunog sa isang bodega ng tela at patahian, sa Tondo, Maynila.
Ang mga biktima ay kinabibilangan ng tatlong miyembro ng Bureau of Fire Protection, dalawang fire volunteers, at dalawang sibilyan.
Ayon sa BFP, nangyari ang sunog sa anim na palapag na bodega ng tela at patahian sa Juan Luna Street, sa Tondo.
Tumagal ng sampung oras ang sunod bago tuluyang nakontrol ng mga bumbero.
Mayroon ding tatlong kabahayan na nadamay sa insidente.