KINUMPIRMA ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Las Piñas City na apat na magkakamag-anak ang namatay sa sunog sa isang residential area sa Bernabe Compound, Barangay Pulanglupa Uno.
Sa mapping operation ng BFP, nadiskubre ang apat na bangkay sa ikalawang palapag ng nasunog na bahay sa lugar.
ALSO READ:
Ayon sa inisyal na ulat, sumiklab ang apoy sa kasagsagan ng mahimbing na pagtulog ng mga residente, kahapon ng madaling araw.
Inaalam pa ng otoridad ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga ari-arian.




