PINAG-aaralan pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang report ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na isinumite sa kanyang opisina.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, medyo makapal ang report na ibinigay ng ICI kaya hanggang ngayon ay inaaral pa ito ng pangulo.
ALSO READ:
LTFRB, magsasagawa ng pagdinig at public consultations kaugnay ng petition for fare increase
Pangulong Marcos, nanawagan ng pananampalataya at pagkakaisa sa pagsisimula ng Ramadan
VP Sara, tatakbong presidente sa 2028; good luck, tugon ng Malakanyang
DILG, kinumpirmang bigo ang 10 operasyon para mahanap si Atong Ang
Tiniyak naman ni Castro na magbibigay sila ng updates kung ano ang mangyayari sa ICI at sa magiging estado nito.
Idinagdag ng Palace official na unang isinumite ang report sa Office of the Executive Secretary.
Una nang inihayag ni Pangulong Marcos na malapit nang matapos ang trabaho ng ICI, dahil naimbestigahan na nito ang mga kailangang siyasatin sa maanomalyang Flood Control Projects.
