MARIING kinondena ni NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan ang pananambang sa limang pulis sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.
Ayon kay Calinisan, ang pag-atake ay tahasang paglapastangan sa batas, kaayusan at kapayapaan na pinaghihirapang itaguyod ng pamahalaan.
ALSO READ:
Kaugnay nito ay inatasan ni Calinsan ang PNP at ang NAPOLCOM sa BARMM na agad magkasa ng imbestigasyon at papanagutin ang mga salarin.
Pinarerepaso din ni Calinisan ang deployment, risk assessment, at operational protocols sa mga itinuturing na high-risk areas upang hindi na maulit ang nangyari.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang NAPOLCOM sa mga naulilang pamilya ng limang nasawing pulis.




