SISILIPIN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Tax Compliance ng mga Contractor na sangkot sa Flood Control Projects matapos ibunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangalan ng construction companies na nakakuha ng malalaking proyekto.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na makikipag-ugnayan sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, gaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Idinagdag ni Lumagui na maging ang sinasabing ghost projects ay bubusisiin nila ang Tax Compliance ng mga Contractor.