ARESTADO ang isang lalaki dahil sa pagnanakaw ng kable ng traffic light sa Quezon City, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ang naturang cable wires ay para sa MMDA traffic light sa intersection ng E. Rodriguez Sr. Avenue at Gregorio Araneta Avenue.
ALSO READ:
Sa CCTV footage, nakita ang lalaki na naglalakad sa kalsada habang may hinahatak na mga kable sa kanyang likod.
Agad namang ini-report ng MMDA Traffic Engineering Center ang insidente sa mga pulis.
Nasa kustodiya na ng Galas Police Station 11 ang suspek para imbestigasyon at proper disposition.




