ITINANGHAL ang Filipino Pop Group na BINI bilang Best Asia Act sa 2024 MTV Europe Music Awards (EMAs), sa live broadcast, mula sa Manchester sa United Kingdom.
Nakalaban ng P-Pop Girl Group ang Illit ng South Korea, Mahalini ng Indonesia, Masdo ng Malaysia, at Sakuraza46 ng Japan, para sa naturang kategorya.
Ang BINI ang kauna-unahang Filipino performers na nananalo ng Best Asia Act sa MTV EMAs 2024.
Kabilang sa iba pang pinoy na na-nominate sa kaparehong award ay sina Moira Dela Torre noong 2023, Maymay Entrata noong 2022, at Sarah Geronimo noong 2014.
Samantala, nanguna naman si Taylor Swift sa mga nagwagi sa MTV EMAs ngayong taon, kung saan napanalunan nito ang Best Video para sa “Fortnight” (feat. Post Malone), pati na Best Artist, Best Live, at Best US Act.




