ISANG kinse anyos na lalaki na nasa ilalim ng pangangalaga ng orphanage center ang nasawi matapos malunod sa dagat sa Macrohon, Southern Leyte, sa unang araw ng bagong taon.
Kinilala lamang ang biktima sa pangalang “Kai,” grade 8 student at residente ng Barangay Poblacion, Padre Burgos.
ALSO READ:
Ayon sa Macrohon Municipal Police Station, pasado alas diyes ng umaga kahapon nang maiulat na nawawala ang estudyante.
Inalerto naman ng concerned citizens ang mga awotirad matapos mamataan ang binatilyo na palutang-lutang sa karagatan.
Sinikap pang isalba ang biktima sa pamamagitan ng CPR ng rumespondeng personnel mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), subalit tuluyan na itong binawian ng buhay.




