23 November 2024
Calbayog City
Local

Binata pinagbabaril, patay sa Calbayog City, Samar

binata

Dead on the spot ang isang binata matapos itong pagbabarilin kagabi bandang 11:30 Nobyembre 5, 2023, Brgy. West Awang, Calbayog City, Samar.

Kinilala ang biktima na si Russel Anthony Bonifacio, dalawampung (20) taong gulang at nakatira sa Purok 1 Brgy. Rawis, ng nasabing lungsod.

Nagtamo ng tama ng bala sa likuran ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Ayon sa imbistigasyon ng PNP Calbayog CPS base sa pahayag ng testigo bago ang insidente ang street light sa nasabing lugar ay pinatay at kasunod ang dalawang (2) putok ng baril mula sa lugar kung saan binaril ang biktima.

Prinoseso ng SOCO ang pinangyarihan ng krimen at nagsagawa ng pagsisiyasat sa biktima at doon nakarekober ng mga sumusunod:

  1. Pera na nagkakahalagang limang libo dalawang daan at pitongpu’t limang piso (Php 5,275.00).
  2. (1) isang pirasong vape
  3. (1) isang pirasong wrist watch kulay brown
  4. (1) isang pirasong heat sealed transparent sachet at
  5. (1) isang bulto na heat sealed transparent sachet na pinaniniwalaang methaphetamine hydrochlorideo o mas kilala na shabu.

Samantala, ang mga hinihinalang drug evidence ay nasa kustodiya ng SOCO para isailalim sa laboratory examination. Habang naagsasagawa naman ng hot pursuit operation ang mga otoridad para sa posibleng pagkilala at pag aresto sa tumakas na suspek.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *