1 July 2024
Calbayog City
Provincial

Binangonan Port pansamantalang pamamahalaan ng Coast Guard

ISINAILALIM ng Philippine Coast Guard sa kanilang kontrol ang Binangonan Port sa Rizal upang ipatupad ang mas mahigpit na safety protocols para sa biyahe ng mga bangka, kasunod ng trahedya ng pagtaob ng Mb Aya Express noong July 27 na ikinasawi ng dalawampu’t pito katao.

Sinabi ni PCG Spokesperson Armand Balilo na nakita nila na disorganized o magulo ang management ng port kaya pansamantala ay sila muna ang mangangasiwa sa pantalan sa Binangonan.

At upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, naglagay ang PCG ng checkpoint sa Binangonan Wharf.

Obligado rin ang lahat ng Kapitan ng bangka na magtungo sa Coast Guard Post, magsumite ng manifesto at permits, at iko-cross verify ng PCG personnel ang passenger counts sa designated capacity ng bangka.

Bilang karagdagan ay dapat ipaalala sa mga pasahero na magsuot ng life vests at kuhanan ng litrato ang bawat paalis na bangka.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *