6 July 2025
Calbayog City
Entertainment

Billy Crawford at Coleen Garcia, inaabangan na ang kanilang baby no. 2

Untitled design – 1

INAABANGAN na ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia ang pagdating ng kanilang baby no. 2.

Kahapon ay inanunsyo ng aktres sa instagram ang kanyang pagbubuntis sa ikalawa nilang anak ni Billy.

Sa video na ipinost ni Coleen, nakasuot siya ng green bikini habang nasa pool, kaya kita ang kanyang baby bump.

Nakayakap sa kanya ang panganay na anak na si Amari, habang hinalikan siya sa pisngi ni Billy.

Ikinasal sina Coleen at Billy noong 2018 at dumating sa kanila si Amari noong 2020.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).