3 July 2024
Calbayog City
Overseas

Bilang ng Pinoy na kumpirmadong nasawi sa wildfires sa Hawaii umakyat na sa tatlo

hawaii

Isa pang Pinoy ang nakumpirma ng pamahalaan na nasawi sa wildfires sa Maui, Hawaii.

Sa inilabas na pahayag ng Philippine Consulate General in Honolulu ang nasawing Pinoy ay nakilalang si Salvador Coloma, 77-anyos.

Nagpaabot din ang konsulada ng pakikiramay sa mga kaanak ni Coloma at tiniyak ang suporta at pagtulong sa kanila.

Sa ngayon, tatlo na ang kumpirmadong nasawi sa wildfires sa Maui.

Una ng kinumpirma ng konsulada ang pagkasawi ng dalawang Pinoy na sina Alfredo Galinato at Rodolfo Racunan.

Ayon sa konsulada, may mga ulat online na pagkasawi nina Conchita Sagudang, 75 at Danilo Sagudang, 55 subalit negatibo ang resulta sa ginawang pag-beripika ng konsulada. Hinikayat ng DFA ang mga kaanak ng mga apektadong Pinoy na tumawag sa konsulada sa hotline number na +1808 253-9446.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *