27 January 2026
Calbayog City
National

Bilang ng pamilyang Pinoy na nagsabing sila ay mahirap, bumaba noong 4th quarter ng 2025, ayon sa survey

BUMABA ang bilang ng mga Pilipino na itinuturing ang sarili na mahirap, ayon sa OCTA Research.

Sa pinakahuling tugon ng masa survey, 37% ng respondents o katumbas ng nasa 9.8 million families, ang ikinunsidera ang kanilang sarili na mahirap noong December 2025.

Mas mababa ito ng 17% kumpara noong September 2025, kung kailan naitala ang self-rated poverty sa 54% o katumbas ng 14.3 million families.

Ayon sa OCTA, nangangahulugan ito na tinatayang apat punto limang milyong pamilyang Pinoy ang hindi na itinuturing ang kanilang mga sarili na mahirap sa loob ng isang quarter.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.