INAASAHANG tataas ng pito hanggang sampung porsyento ang volume ng air passengers ngayong undas kumpara noong nakaraang taon, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines.
Batay sa tala ng CAAP na nag-o-operate sa apatnapu’t apat na airports sa bansa, 2.1 million passengers ang bumiyahe simula Oktubre hanggang Nobyembre ng 2023.
Mahigit 32,000 na bagong guro, asahan sa susunod na taon – DepEd
Sandiganbayan 6th Division, kinonsolidate ang mga kaso sa 289-Million Peso Naujan Flood Control Case
Dating DPWH Secretary Rogelio Singson, nagbitiw sa ICI
Dating Senador Bong Revilla at iba pang personalidad, inirekomendang kasuhan ng ICI bunsod ng flood control scandal
Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero, inihayag ng ahensya na lahat ng airport managers ay inatasan na tiyakin ang tuloy-tuloy na operasyon, at unahin ang kaligtasan at seguridad ng mga biyahero.
Nakapwesto na rin sa mga paliparan ang help desks, pati na ang mga naka-standby na security at medical teams.
Samantala, hinimok naman ng CAAP ang mga pasahero na tumalima sa rules at iwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na mga gamit.
Ipinaalala rin sa mga biyahero na mahigpit na ipinagbabawal ang bomb jokes.
