KABUUANG walundaan pitumpu’t lima katao ang nasugatan dahil sa mga paputok at pailaw, sa gitna ng pagdiriwang ng bagong taon.
Batay sa datos mula sa PNP, simula Dec. 16, 2025 hanggang Jan. 5, 2026, isa ang nasawi sa Metro Manila bunsod ng firecracker-related incident.
Karamihan sa firecracker-related injuries ay naiulat sa Metro Manila na may 206 cases, sumunod ang SOCCSKSARGEN na may 104 at CALABARZON na may walumpu’t walo.
Samantala, kabuuang 401,368 illegal firecrackers at pyrotechnics na nagkakahalaga ng mahigit 5.5 million pesos ang nakumpiska habang 471 individuals ang naaresto.
Dalawa naman ang nasugatan habang labinsiyam na suspek ang dinakip bunsod ng indiscriminate firing.
Isa ang nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala sa Metro Manila habang tatlong iba pa ang nasugatan sa CALABARZON, Davao Region, at BANGSAMORO Autonomous Region in Muslim Mindanao.




