DALAWA pang bangkay ang narekober sa isinasagawang underwater operations sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3 sa Basilan.
Dahil dito, umakyat na sa animnapu’t dalawa ang bilang ng mga nasawi sa trahedya.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nananatili sa 293 ang bilang ng mga survivor habang labinlimang indibidwal pa ang nawawala.
January 25 ng gabi nang umalis ang barko sa Port of Zamboanga City patungong Jolo, Sulu subalit lumubog ito sa Basilan noong January 26 ng madaling araw.




