UMAKYAT na sa anim ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa isang landfill sa Cebu City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection – Cebu City, tatlumpu’t isang iba pa ang nananatiling nawawala.
ALSO READ:
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Halos 3,000 personnel, ipakakalat para sa Ati-Atihan Festival
Idinagdag ng BFP – Cebu City na kabuuang labindalawang indibidwal ang nasagip at lahat sila ay sugatan.
Nagpapatuloy ang search, rescue, and retrieval operations sa pinangyarihan ng landslide sa Barangay Binaliw.
Gumagamit ang mga awtoridad ng backhoe para ma-clear ang area.
Nangyari ang landslide sa Waste Management Facility ng Prime Waste Solutions Cebu noong Huwebes ng hapon.
