Umakyat na sa tatlumput isa ang bilang ng mga nasawi matapos ang pananalasa ng “extratroprical cyclone” na nagdulot ng malawakang pagbaha at pag-apaw ng mga ilog sa Rio Grande Do Sul sa Brazil.
Sa nag-viral na video, makikita na lubog na sa baha ang bayan ng Mucum, maging ang kalapit na mga lugar, gaya ng Lajeado at Roca Sales.
Kinumpirma naman ni President Luiz Ignacio Lula da Silva na nakausap na niya ang gobernador ng Rio Grande Do Sul at inalok ang buong suporta mula sa Federal Government. Naka stand by na rin aniya ang dalawang state ministers sa lugar upang pangasiwaan ang search and rescue operations.