UMAKYAT na sa isandaan limampu’t pito ang nasawi sa lindol na tumama sa Nepal noong biyernes.
Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang malayong kanluran ng bansa, na ayon sa US Geological Survey ay may lalim na labing walong kilometro.
Sa mga video at litrato sa social media, makikita ang mga taong naghuhukay mula sa mga guho para iligtas ang mga survivor mula sa bumagsak na mga bahay at gusali.
Umabot ang pagyanig hanggang sa kabisera ng India na New Delhi na halos limandaang kilometro mula sa epicenter na 42 kilometers timog ng Jumla.