UMAKYAT na sa halos apatnaraan limampung libong Palestinians ang lumikas mula sa Rafah sa nakalipas na linggo, sa gitna ng pagpasok ng Israeli Tanks sa Southern Gaza City.
Ayon sa UN Agency for Palestinian Refugees na UNRWA, patuloy na nararanasan ng mga tao ang matinding pagod o pagkahapo, gutom, at takot.
ALSO READ:
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Bumalik ang Israeli Troops sa Zeitoun, at Jabalia, kung saan pinaniniwalaang nag re-group ang Hamas sa loob lamang ng limang buwan, matapos i-claim ng militar na nalansag na nila ang local battalions ng grupo.
Ipinag-utos ng Israeli Military sa mga sibilyan na lisanin ang Eastern Rafah at Jabalia para sa kanilang sariling kaligtasan bago nila simulan ang ilulunsad na mga pag-atake.
