Sinibak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Immigration chief Norman Tansingco.
Ito ay matapos matakasan si Tansingco ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at makalabas ng bansa.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez, tanggal na sa puwesto si Tansingco.
Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na gugulong ang ulo ng mga opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa pagtakas ni Guo.
Sangkot si Guo sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Nahaharap si Guo sa kasong human trafficking at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.