SA kabila ng kanilang paghihiwalay bilang manager-talent, nakahanda pa ring tulungan ni Ogie Diaz ang dating alaga na si Liza Soberano sakaling kailanganin ito ng aktres.
Reaksyon ito ni Ogie sa isiniwalat ni Liza hinggil sa kanyang childhood trauma na naranasan niya mula sa boyfriend ng ina, at habang nasa pangangalaga ng kanyang foster family.
Belle Mariano, handang mag-grow nang hindi kasama ang ka-loveteam na si Donny Pangilinan
Maine Mendoza, inaming na-inlove kay Alden Richards sa kasagsagan ng kasikatan ng AlDub
P-Pop Group BINI nagsampa ng kaso laban sa hindi pinangalanang indibidwal
Bela Padilla, nagreklamo sa mataas na Tax na ipinataw ng Customs sa mga produktong binili niya sa online
Sinabi ng talent manager na batid niya ito subalit hindi nila tinalakay sa publiko habang ini-establish nila ang career ni Liza dahil hindi ito makakatulong.
Naniniwala rin si Ogie na hindi siya ang pinatutungkulan ng aktres sa huling bahagi ng podcast episode nito, dahil alam aniya ni Liza ang totoo at ginampanan niya ang papel niya bilang manager kasama ang Star Magic.
Sa kabila nito ay hangad pa rin ni Ogie ang ikabubuti ng dating alaga at susuportahan pa rin sa mga nais nitong gawin.
Binigyang diin pa ng talent manager na malaki ang naiambag ni Liza sa kanyang buhay at hindi niya ito kinakalimutan.