Ikinabahala ng Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR) ang pag-aalok ng renta ng residential establishments, kabilang na ang bed spaces nang walang permits.
Binigyang diin ni BFP-NCR Chief, Fire Chief Supt. Nahum Tarroza na hindi kasi nila maisailalim sa fire inspection ang mga pribadong tahanan.
Inihayag ni Tarroza na kapag sinabing residential, bahay lamang ito at hindi paupahan, subalit kapag may reklamo ay maari naman nilang puntahan.
Idinagdag ng fire official na ang requirements para sa residential buildings at apartment buildings ay magkaiba, at ang hindi pagtalima sa standards ay maaring magresulta ng mas maraming panganib kapag may sunog.
Noong Biyernes ay labing isa katao ang nasawi sa Binondo, Maynila nang masunog ang kanilang boarding house sa loob ng isang residential-commercial building.