NANANATILING tahimik si Bela Padilla tungkol sa napapabalitang bago niyang boyfriend.
Nakuha ng aktres ang atensyon ng netizens matapos mag-post sa Instagram ng bouquet of flowers mula sa “someone” na nagsabing “loving her feels easy.”
Sinabi ni Bela na masyado pang maaga para magkuwento at nasa early stages pa lamang sila, kaya baka ma-jinx.
Sa ngayon, aniya ay ini-enjoy niya muna ang kanyang buhay, kasabay ng pag-amin na handa na siya para sa bagong relationship, dahil mahigit isang taon na rin naman siyang single.




