ISINASAILALIM sa rehabilitasyon ang Beach House ni dating First Lady Imelda Marcos sa Tolosa, Leyte, bilang bahagi ng hakbang upang mapalakas ang lokal na turismo.
Ang property na matatagpuan sa Barangay Olot at minsang tinawag na “Malacañang of the South” sa unang Marcos Administration, ay isa lamang sa mga istruktura na matinding napinsala ng supertyphoon “Yolanda” noong Nov. 8, 2013.
Muling nagka-interest dito ang anak ng dating unang ginang na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasabay ng nalalapit na pagdiriwang ng ika-sampung Anibersaryo ng kalamidad na kumitil sa buhay ng nasa animnalibo tatlundaang katao, na ang ikatlong bahagi nito ay mula Tacloban City.