NAKATAKDANG bumalik sa telebisyon si Bea Alonzo para sa role na hindi pa niya nagawa, mahigit isang taon matapos ang TV series na “Widows’ War.”
Inanunsyo ang TV comeback ni Bea noong Biyernes, bagaman nanatiling tikom ang kanyang bibig sa mga detalye ng proyekto na kanyang ginagawa.
Inilarawan ng aktres ang kanyang karakter bilang “matapang,” at napapanahon aniya ang project, dahil never pa niya itong ginawa dati.
Kabilang sa mga most notable dramas ni Bea ang “Kay Tagal Kang Hinintay,” “Maging Sino Ka Man,” “It Might Be You,” at “Magkaribal.”




