ISINAILALIM ang munisipalidad ng Naujan sa Oriental Mindoro sa State of Calamity matapos makaranas ng pinakamalalang pagbaha ngayong taon, kasunod ng pananalasa ng Bagyong Verbena.
Ayon sa Oriental Mindoro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, apatnapu’t lima mula sa pitumpung barangay sa Naujan ang lumubog matapos umapaw ang mga ilog, partikular ang mag-asawang tubig river.
Sa pamamagitan ng deklarasyon, magagamit na ng lokal pamahalaan ang kanilang Calamity Fund upang mapabilis ang pagtulong sa mga residenteng naapektuhan ng baha, lalo na ang mga magsasaka. Sa buong Oriental Mindoro naman, siyamnapung barangay ang binaha habang tinaya sa 58 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura.




