NILAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas kung saan pinapayagan ang pamahalaan na magdeklara ng “State of Imminent Disaster” kahit bago pa man tumama ang isang kalamidad.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), pinirmahan ng pangulo ang Republic Act No. 12287 o The Declaration of State of Imminent Disaster Act, upang maisagawa ng mas maaga ang paghahanda at Emergency Actions upang maprotektahan ang mga komunidad.
Sa ilalim ng bagong batas, bubuo ang pamahalaan ng mekanismo para sa pagdedeklara ng State of Imminent Disaster, at magbibigay ng Criteria para sa deklarasyon nito at pagbawi.
Alinsunod sa RA No. 12287, binibigyan ng kapangyarihan ang pangulo na magdeklara ng State of Imminent Disaster sa Cluster ng mga barangay, munisipalidad, siyudad, probinsya, at rehiyon, batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).




