20 February 2025
Calbayog City
Local

Batang babae, ligtas na naibalik ng mga otoridad sa kanyang mga magulang sa Brgy. Aguit itan, Calbayog City

batang babae

Ligtas na naibalik sa kanyang mga magulang ang limang taong gulang na batang babae makaraang masagip ng mga pulis habang mag-isang pagala-gala sa Calbayog City.

Agad nagsagawa ng rescue operation ang mga otoridad matapos makatanggap ng report tungkol sa nawawalang bata mula sa Purok 2, Barangay Aguit-itan.

Sa pagtutulungan ng Women and Child Protection Desk personnel ng Calbayog City Police, mga kinatawan ng City Social Welfare and Development Office, at mga opisyal ng Barangay Aguit-itan, ay natunton ang lokasyon ng mga magulang ng bata at nagkaroon ng proper turnover.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *