1 July 2025
Calbayog City
Provincial

Baste Duterte, magsisilbi bilang Acting Davao City Mayor, ayon sa COMELEC

MAARING magsilbi si Vice Mayor Baste Duterte bilang Acting Mayor ng Davao City, sa gitna ng pagkaka-ditine ng kanyang ama na si Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.

Alinsunod sa Local Government Code, ipinaliwanag ni COMELEC Chairman George Garcia na ang Rule of Succession ay ina-apply sa kaso ng Elected Local Officials na Temporarily Incapacitated mula sa pagganap sa kanilang tungkulin.

air asia

Sinabi rin ni Garcia na basta naiproklama na at wala nang kaso sa kanila na naka-pending, ang hurisdiksyon ay malilipat na sa Department of the Interior and Local Government.

Ang nakatatandang Duterte ay nanalo bilang alkalde ng Davao City na nagdaang May Midterm Elections, matapos makakuha ng 662,630 votes.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).