BINANGGA at binomba ng tubig ng China Coast Guard (CCG) Vessels ang BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) malapit sa Escoda Shoal.
Sa video, dalawang CCG Ships ang makikitang bumubuntot at binangga ang BRP Datu Sanday bago dumistansya.
ALSO READ:
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Ang isa pang CCG Vessel ay ginamitan naman ng water cannon ang barko ng Pilipinas.
Mayroon ding makikita sa video na paparating na Chinese Militia Vessel.
Ayon sa report, limang beses na binangga ng CCG Vessel ang BRP Sanday at tinarget ng water cannon ang bubong ng barko kung saan matatagpuan ang navigational equipment.
