NILINAW ng Iran na puwede pa ring dumaan ang lahat ng klase ng barko sa Strait of Hormuz maliban sa mga barko ng Israel at Amerika.
Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi, hindi naman nila isinara ang makipot na lagusan na dinadaanan ng 20% ng supply ng langis sa buong mundo na nanggagaling sa Gulf region.
ALSO READ:
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Hindi lang nila pinapayagang dumaan ang ilang oil tanker na pagmamay-ari ng kanilang mga kalaban.
Ilang barko na ang binomba habang dumadaan sa Strait of Hormuz, kabilang ang isang Thai vessel na wala namang kinalaman sa giyera.
