NAGLUNSAD ang Pakistan ng sunod-sunod na air strikes sa Afghanistan, na ayon sa Taliban ay ikinasawi ng labing-walo katao, kabilang ang mga babae at mga bata.
Sinabi ng Islamabad na target ng pag-atake ang pito umanong militant camps at hideouts malapit sa Pakistan-Afghanistan border.
ALSO READ:
Inilunsad ang pag-atake kasunod ng nangyaring suicide bombings sa Pakistan, kamakailan.
Mariin itong kinondena ng Afghanistan sa pagsasabing ang mga pinasabugan ay bahay ng mga sibilyan at isang religious school.




