Sugatan ang isang barangay kagawad na tumatakbong kapitan sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) makaraang tambangan sa Leyte, Leyte.
Nasa kritikal na kondisyon sa OSPA Farmers’ Medical Center sa Ormoc City ang biktima na si Junie dela Peña, limampu’t isang taong gulang, kagawad sa Barangay Tag-abaca.
Ayon sa mga otoridad, sakay ng minamanehong motorcab si dela Peña habang patungong Barangay Tag-abaca nang pagbabarilin ito ng armadong kalalakihan na lulan ng kulay puting pick-up truck sa Barangay Consuegra. Ang naturang insidente ang kauna-unahang karahasan sa Eastern Visayas laban sa isang kandidato mula nang mag-umpisa ang election period para sa BSKE.