28 December 2025
Calbayog City
National

Banta ni VP Sara, sinagot na ni Pangulong Marcos

NAGSALITA na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa banta ni Vice President Sara Duterte na ipapatay siya kasama sina First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Ayon sa pangulo, nakababahala ang mga pahayag ni Duterte.

Aniya, kung ganun na lang kadali ang pagplano sa pagpatay ng isang Presidente, papaano pa kaya ang mga pangkaraniwan na mamamayan.

Binigyang diin ng Pangulo na ang ganyang kriminal na pagtatangka ay hindi dapat pinapalampas.

Bilang isang demokratikong bansa, dapat aniyang panatilihin ang Rule of Law.

Bilang pangulo, sinabi ni Marcos na ang executive department, at lahat ng mga nanunungkulan sa pamahalaan, ay may sinumpaang tungkulin na tutupdin at pangangalagaan ang Konstitusyon at ang mga batas.

Kung sinagot lang aniya sana ni Duterte ang mga tanong ng mga mambabatas kung paano niya ginastos ang confidential funds ng kanyang tanggapan, hindi na sana hahantong sa ganitong drama.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).