BUMAGSAK ang mga harang na inilagay ni-renovate na bahagi ng EDSA Busway bunsod ng malakas na hangin.
Mabuti na lamang ay walang bus na dumaradaan sa naturang bahagi nang mangyari ang insidente kaya walang nasugatan.
ALSO READ:
Inilagay ang harang upang maisara ang renovation works sa partikular na bahagi ng EDSA Busway.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pansamantalang isinara ang Northbound Lane, pati na ang Southbound Lane para bigyang daan ang repair sa nag-collapse na fences, pasado ala una ng hapon, kahapon.
Agad naman binuksan ang Northbound at Southbound Bus Lanes makalipas ang halos dalawang oras.




