HUMARAP sa mga mamamahayag sina Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy at Vice Mayor Rex Daguman, para ibigay ang mga detalye ng nalalapit na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF), na gaganapin sa Sabado at Linggo.
Isinagawa ang briefing kahapon sa Local Youth Development Office sa Calbayog City.
9K Fuel Subsidy Cards, ipamamahagi sa mga mangingisda sa Eastern Visayas
Inisyal na dayalogo sa timbol drivers, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 30 pamilya sa Catarman, Northern Samar na nawalan ng bahay dahil sa bagyo, nakinabang sa housing grants
Pagtatatag ng Calbayog City College, isinusulong ng pamahalaang lungsod
Sinabi ni Mayor Mon na itatampok sa BPSF ang Serbisyo Caravan na may partisipasyon ng labinsiyam na national agencies, sa pakikipagtulungan ng Tingog Party-List at ibang local offices.
Layunin ng event na maihatid ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno at direktang ayuda sa mga residente ng Calbayog.
Inihayag naman ni Vice Mayor Daguman na inaasahang aabot sa 23,000 beneficiaries mula sa lungsod ang makikinabang sa iba’t ibang financial assistance program, pati na iba pang essential services.
