INILUNSAD ng PNP ang Community Assistance, Safety, and Support Network (CASSN) sa Plaza Lorenzo Ruiz sa Binondo, Maynila.
Ang CASSN ay idinesenyo para magbigay ng mas epektibong pagtulong sa foreign nationals sa lugar.
Sinabi ni PNP Chief, Police General Rommel Marbil, na ang mga pulis na marunong magsalita ng ibang lengguwahe, gaya ng chinese, ang i-a-assign sa bagong Assistance Hub.