IPINAG-UTOS ng Commission on Higher Education ang pagsasara ng our Lady of Mercy College (OLMC) sa Borongan City, sa Eastern Samar, bunsod ng mga paglabas sa mga polisiya ng CHED, standards at guidelines.
Sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera III, na simula sa susunod na school year ay tigil operasyon na Olcl, matapos kanselahin ng pamahalaan ang pagkilala sa lahat ng academic programs ng naturang kolehiyo.
ALSO READ:
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu
Nilinaw naman ni De Vera na pinapayagan pa ang fourth year students na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at maka-graduate sa pagtatapos ng academic year 2024-2025.
Ang first, second, at third year students naman ay tutulungan ng Ched sa region 8 sa paglipat sa ibang institusyon.