22 November 2024
Calbayog City
Metro

Pagpapatupad ng ban sa E-vehicles sa mga National Road, wala nang atrasan sa April 15

BINABALANGKAS na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) sa pagpapatupad ng ban sa electric vehicles, gaya ng E-bikes at E-trikes sa mga National Road.

Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na simula sa Abril a-kinse ay epektibo na ang ban sa e-vehicles, subalit iku-konsidera pa rin nila ang iba pang mga suhestiyon.

Kapag ipinatupad na ang ban, ang mga violator ay pagmumultahin ng 2,500 pesos.

Posible ring ma-impound ang sasakyan kung walang maipi-prisintang lisensya ang nagmamaneho.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *