BINISITA ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng mga biktima ng landslides, sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas, isang araw matapos itong humarap sa pagdinig ng senado sa drug war.
Sa mga litratong ibinahagi ng Office of the Vice President (OVP), makikita ang pakikiramay ng dating pangulo sa mga pamilya ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Kristine.
ALSO READ:
Mahigit 32,000 na bagong guro, asahan sa susunod na taon – DepEd
Sandiganbayan 6th Division, kinonsolidate ang mga kaso sa 289-Million Peso Naujan Flood Control Case
Dating DPWH Secretary Rogelio Singson, nagbitiw sa ICI
Dating Senador Bong Revilla at iba pang personalidad, inirekomendang kasuhan ng ICI bunsod ng flood control scandal
Kasama ni dating Pangulong Duterte sa naturang pagbisita ang team mula sa special projects division at public assistance division ng OVP, na nagbigay ng burial assistance sa mga apektadong pamilya.
Nagtungo rin ang dating chief executive, sa relief operations ng OVP disaster operation center sa evacuation centers sa mga bayan ng Talisay at Laurel.
